Tuesday, November 25, 2014

I want that too...



Yes, I want to post an awesome pregnancy announcement on Facebook. 

I want to receive those words of "congratulations" when we post that first-ever ultrasound. 

I want those high fives and hugs from people. 

I want my wife and I to sit down on the front porch looking at baby names on the internet.

I want us to try our best to combine both our names into the baby's name. 

I want to say "Finally!" on my Twitter account. 

I want to decorate the spare room in the house into what we see in the movies. 

I want to go shopping for a crib and make sure that it blends well with the baby blue walls. 

I want to be asked, "Is it a boy or a girl?". 

I want to say "As long as the baby's normal then we are fine."

I want the wife to ask for a hard-to-find food. 

I want to go out of the house in the middle of the night to look for that food. 

I want to swap stories with my father friends and get tips on how to change diapers.

I want someone to inherit my Legos and basketball cards. 

I want people to stop asking.

I want to touch the tummy of my wife and feel the baby kicking inside. 

I want to hear the wife do baby talk while saying hello to the baby every morning. 

I want to stroll around the park holding the hand of the wife with the baby in tow. 

I want those sleepless nights. 

I want to come home from work and find that everything is going to be fine in my life. 

I want to pick out a cute Halloween costume for the little curly one.

I want to see if he'll get my eyes or my wife's lips. 

I want to put up our child's Christmas stockings.

I want to pretend I'm Santa Claus and sneak around the house with gifts.

I want a creative Christmas card family portrait.

I want to pick out godparents with my wife.

I want an awesome pregnancy photoshoot.

I want an even better baby pictorial.

I want to hear baby talk. 

I want to smell our baby's armpits. 

I want to throw awesome kiddie-themed parties. 

I want a slap on my face to wake me up on a Saturday morning (not from the wife). 

I'm really not asking for much, you see.

I just want that too.

But if that doesn't happen...

I want this too:)

Friday, November 14, 2014

I have a mistress...

Oo, may Kerida ako.

Nakakahiya man aminin pero kailangan malaman na ng lahat.

Nabubuhay ako sa mundo ng kasinungalingan. Mga siyam na taon na rin. Hindi ko ito pinagmamalaki o pinanglalandakan sa lahat pero hindi ako matatahimik hangga't hindi nalalaman ng mga taong malapit sa akin.

Ako, si Dinjo Constantino, ay namamangka sa dalawang ilog. Ako ay may kabit.

Hindi ito yung tipong affair na nagkatinginan lang kame ni Heart Evangelista sa isang bar eh feeling ko kame na. Private party kase yon at nagtataka siya kung sino ako. Eh kailangan ko mag-CR eh bakit ba?

Anyway, balik sa aking kerida. Ang pangalan niya, Yahoo Fantasy Basketball.


Oo, masama na kung masama, pero ito ang una kong chinecheck sa umaga pagkagising ko. Hindi kung buhay pa asawa ko (pero nagpapasalamat ako na buhay siya parati), hindi para maghilamos at tanggalin ang mga muta at panis na laway ko. Tinitingnan ko ang telepono ko para makita kung kamusta mga players ko. May natapilok ba? May sumabit na naman ba sa sex scandal at hindi makakalaro? Meron bang may sinampal sa Las Vegas? Yan ang mga tanong na laging nasa aking isipan. Hindi kung may natitira pa kayang tubig sa ref o kung naihi na naman ba ako sa kama. Kung si Rudy Gay ba ay umayos at naka-shoot ng 50% ng kanyang mga tinira. Kung supot ba ang laro ni Lebron kahit na hindi ko siya player. Extra na lang yon, hehe. #sorrynotsorry.

Inaamin ko, tinatago ko ang telepono ko sa asawa ko. Hindi dahil may nag-text na GRO saken, kundi natatakot ako na baka pagtawanan at sermunan na naman ako dahil basketball na naman. Madalas hindi ko nadadala ang basura sa labas dahil gusto kong malaman kung yung waiver claim ko ay umubra. Kung napalitan ko na ba yung hinayupak na Carlos Boozer na yon. Mas may silbi pa yata si Bonel Balingit pag siya ang naglaro sa NBA kesa sa walanghiyang Boozer na yan. Hindi naman counted sa stats tuwing sumisigaw ng "AND1!", pare. Pakshet na yon. Pero umookay na siya. Hehe.

Minsan natatawa ako sa sarili ko. Wala na talaga akong loyalty. Nanunood ako ng game pero nagchcheer ako sa parehong teams. Sabi dati ng officemate ko, "Kanino ka ba talaga kakampi?" Sabi ko, wala akong team, dun ako sa individual performances ng mga players sa team ko. There is no "I" in team sabi nila. Pero ako, may "mine" sa bawat team sa NBA, hehe. Pero Lakers talaga ako. Kahit na supot sila ngayon. Ayun, may sense of loyalty pa pala ako! Self Apir!

Lintik lang talaga kapag yung number one draft pick mo eh biglang nabalitaan mong na-injure niya ang kanyang ACL. Daig mo pa yung asawa mismo nung player sa sama ng loob mo. Isang araw kang hindi makausap. Parang binagsakan ka ng isang sakong bigas sa ulo mo habang ika'y nakahubad sa interview mo sa US Embassy. Ganon kasaklap. Mas masaklap pa kung samahan ng 0 out of 10 na shooting mula kay Damian Lillard! Tingnan naten kung makakain ka pa e hindi naman nakakain yung itlog na yon.

Alam kong konti lang makakaintindi saken. Konti lang kameng may mga kabit. Kahit sumumpa kame sa harap ng Diyos na isa lang ang mamahalin, talagang unexpected lang ang pagdating nito kaya sana 'wag niyo rin kame sisihin. Forgive us, Lord. Forgive us, wives.

Kahit na ang asawa ko ang good night kiss ko sa gabi, yung Yahoo Fantasy pa rin ang huling nasa isip ko. Sana bumalik na si Nick Young. Sana pasahan naman siya ni idol Kobe. Sana wala kameng lakad ni misis bukas para masubaybayan ko mga laro ng players ko.

Masama akong asawa, alam ko. Pero ibang pantasya toh. Pantasya ko. Kerida ko.

Sana maintindihan niyo rin ako. Sana manalo ako this week.