Monday, September 24, 2012

Pa-cool ka ba?

Maraming taong pa-cool. Kilala niyo sila. Sila yung kakapasok pa lang nila sa kwarto eh naiinis ka na. Baket? Kase nga pa-cool sila.

Yung parang alam mong may tinatago silang kamalian sa sarili nila kaya dinadaan nila sa pagpapanggap na "cool" sila.

Basta, nakakaasar lang sila. Alam niyo na yon.


Pa-Cool Ka Kung...

1. May suot kang headphones parati.

So mas astig pa yung pinapakinggan mo kesa makipagusap samen? O minememorize mo yung susunod na hit ni Justin Bieber? Mali eh.

Mag-ingat ka lang sana pag tumatawid ka. Baka 'di mo marinig busina ng FX, yari ka. One less pa-cool person in the world.


2. Tinataas mo collar ng polo mo kahit na wala ka naman sa golf course.

O sige na, ayaw mo na umitim leeg mo. Eh di mag-turtle neck ka. Mainit ba kamo? Eh di magtiis ka.

Alanganin tingnan eh. Baket nga ba kase naimbento ang collar sa mga shirt? Para may magawa lang siguro ang mga pa-cool. Ang kati eh!

Tsaka nakakatawa tingnan. Pilit.


3. Lahat ng kwento eh mas magaling kwento mo.

Wala kayo sa Lolo ko! Wala talaga kame sa lolo mo kase WALA kameng pake sa lolo mo. May lolo din kame noh!

At hindi contest ang buhay! Dapat chill lang. Hindi pa-cool. Tss.

Minsan naman, okay lang ibigay sa iba ang limelight.


4. Pag pinakilala ka sa maraming tao, ang "hi" mo ay peace sign.

Anak ng. Eto talaga ang nakakapang-init ng ulo.

Ano ba naman yung kumaway ka o kaya'y mag-"hi"?

Si Andrew E. ka ba?!

Peace sign ampucha.


5. Tawag mo sa Boracay ay Bora at Tagaytay ay Tags.

Sige nga, pano ang Palawan? O Cebu?


6. Parating may nakasaksak na Bluetooth earpiece sa tenga mo.

Busying busy ka?! In demand?!

Wala kang bulsa para sa telepono mo?

Walang vibrate phone mo?!

Diyos ko.


7. Lahat "kilala" mo.

O sige, ikaw na ang sikat. Mas sikat ka pa kay Nora Aunor. Walang himala na pa-cool ka talaga.

Buti sana kung kilala ka nila diba?

Pards, "it's not who you know but WHAT you know" that counts sa totoong buhay at sa huling hantungan.


8. Alam mo lahat.

Walang nakakaalam ng lahat. Si God lang. Tsaka si Madam Auring. Minsan, si Stargazer. Ay, tsaka si Santa Claus din pala (ano, hindi totoo si Santa Claus?!?! P*#@%6!%@!).

Wag magpanggap. Masama yon. Magagalit si God. Alam niya ang lahat.

Ikaw, hinde.

Sa huli, mahahalata ka. Mas nakakahiya.


9. Epal ka kahit di mo naman talaga alam pinaguusapan.

Rock pinaguusapan. Wala kang alam dyan. Not counted yung isang artikulo na nabasa mo sa Facebook.

Stick to K-Pop. Mag-focus ka na lang na maging subject matter expert don.

Baka tanungin sayo kung sino si Freddie Mercury eh wala kang maisagot.

Ikaw: Si Freddie Mercury yung kumanta ng Anak diba?!

Tanga ampucha.



10. Akala mo headband yung shades mo.

Wala akong masabi dito.

Nakakatawa lang talaga.

Ultimate Sign of Pa-Coolness toh!


11. Tingin mo "cool" ka.

HINDI KA COOL.


Sige, minsan guilty ako dun sa mga iba (e nasa beach naman ako ah, san ko lalagay shades ko?!) pero hindi parati at hindi ako proud sa mga pagkakataong nangyayari yon. Dala ng pangangailangan, kumbaga.

Pero may mga tao talagang pa-cool eh. Ano magagawa naten?

May Facebook page na kaya sila?